11. Suriing mabuti ang mga pahayag sa ibaba at tukuyin ang pinakaangkop na sagot sa mga pagpipilian. Si Kryshna ay nagsisimula ng magdalaga, dumarating na ang pagkakataon na nagpapaalam siya sa kanyang magulang na gagabihin sa pag-uwi sa bahay dahil may mga proyektong kailangang gawin kasama ang kanyang mga kaklase. Kinausap ito nang mabuti ng kanyang magulang upang sabihin na papayagan ito ngunit kailangang makauwi sa itinakdang oras. Kapag hindi niya ito nagawa ay hindi na siya muling papayagan ng kanyang mga magulang. A. Ang halaga ng pagsasabuhay ng mga birtud. B. Ang halaga ng pagtataglay ng moral na integridad. C. Tamang paggamit ng kanyang konsensiya sa paghuhusga. D. Pag-unawa na ang kalayaan ay may kakambal na responsibilidad.