👤

D. PAGTATAYA Tukuyin ang inilalarawan ng bawat pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang. ____________________ 1. Pangyayaring nagresulta sa pagkamatay ng 400 at 1,100 sugatang mga Indian. ____________________ 2. Lihim na kasunduang magdidikta sa kapalaran ng Imperyong Ottoman matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig sa pagitan ng Great Britain, France, Russia, at Italy. ____________________ 3. Pamamaraan ng paglilipat ng kontrol o pamamahala sa isang teritoryo o bansa isang bagong imperyalista mula sa natalong imperyalista. ____________________ 4. Nagbibigay permiso sa pamahalaang British na ikulong ang mga nagpoprotestang Indian ng hanggang dalawang taon nang walang paglilitis. ____________________ 5. Nanguna sa pagkilos para sa kalayaan ng India na nagbigkis sa lahat ng mga Indian anuman ang kanilang uring pinagmulan. ____________________ 6. Pagsuporta ng Great Britain sa pagtatag ng sariling bansang-estado ng mga Jew sa Palestine. ____________________ 7. Samahan ng mga bansa na nabuo bilang resulta ng pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig. ____________________ 8. Nagtatakda sa mga teritoryo na manatiling nasa sistemang mandato at dapat mapasailalim sa trusteeship ng United Nations. ____________________ 9. Imperyong dating may hawak at kontrol sa maraming mga bansa at estado sa Kanlurang Asya. ____________________ 10. Kanluraning bansa na may tuwirang kontrol sa bansang India hanggang sa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.​