1. Ako ay may kakayahang akin lamang
sapagkat iba ako kung ikokompara sa
aking mga kamag-aral.
2. Mahalaga na maipakita ko sa aking
mga kaibigan, kamag-aral, magulang, at
kapitbahayan ang aking kakayahan upang
malaman ko ang mga dapat ko pang
paunlarin.
3. Ang lakas ng aking loob at katatagan
ay aking ginagamit sa pamamagitan ng
pagtanggap ng mga mungkahi at paalala
mula sa aking kapuwa.
4. Hindi ako nahihiyang ipakita na magaling
ako sa anumang bagay kaya ayokong
pinipintasan ang aking mga ginagawa.
5. Nakauunawa ako kapag itinatama ng mga
tao ang aking mga nagawang mali dahil
mapabubuti at maipakikita ko ang aking
natatanging kakayahan.