👤

pagkakatulad at pagkakaiba ng kolonyalismo at imperyanismo

Sagot :

Answer:

Ang kolonyalismo ay ang direktang pananakop ng mga dayuhan sa isang bansa upang mapagsamantalahan at kuhaan ng likas na yaman para sa kanilang sariling interes.Ito ang ginawa ng mga Espanyol at Amerikano noon, gumamit sila ng dahas at mga militar upang masalakay ang bansa at hindi lumaban ang mga tao.

Ang Imperyalismo naman ay hindi direktang pananakop na mismong bansa at hindi pisikal na panghihimasukan. Bagkus, ito ay idinadaan sa mga polisiya, kultura, at iba pang impluwensya sa isang maliliit na bansa.Ginagawa rin nila ito upang makakamal ng kapital at lumawak ang kanilang kapangyarihan. ang imperyalismo rin ay itinuturing na huling lebel ng kapitalismo.

Answer:

Ang kolonyalismo ay isang patakaran ng isang bansa na mamamahala ng mga sinakop upang magamit ang likas na yaman ng mga sinakop para sa sarilng interes. Habang ang imperyalismo naman ay nangangahulugan ng dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon estado sa aspektong pampolitika, pangkabuhayan, at kultura na pamumuhay ng mahina at maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan. Kaya ang pagkakaiba nila ay sa kolonyalismo ay sinasakop nila ang bansa para lang kumuha ng likas na yaman at pansariling interes. Pero sa imperyalismo ay hindi lang sila kumukuha ng likas na yaman kundi pinamumunuan nila ang bansang nasakop nila tulad sa kultura, pamumuhay at iba pa. Ang pagkakatulad naman nila ay naglalakbay sila sa iba't ibang lugar para madiskubre nila kung ano ang meron sa lugar na iyon at kung mapakikinabangan ba nila iyon.

Cttro.

Hope it helps. :)) #ANSWERFORTREES. @saebyeok.