asagot sarili yong aano . Ang bilin nl Ina Tuwing Sabado tinutulungan ko ang aking nanay sa pagtitinda ng ulam. Masarap siyang magluto kaya dinarayo kami ng mga tao sa aming maliit na dampa, Si Tatay naman ay drayber ng trak. Isang araw. Inutusan ako ng nanay na bumili sa pamilihan." Lester, bumili ka ng tatlong kilong kamatis." Sabi niya. "Opo, Inay. Vubusin ko lang po itong iniinom kong gatas." "Ilagay mo ang pera sa bulsa mo at maraming tao sa pamilihan," bilin ng nanay." Hawakan ko na lang itong pera," bulong ko sa sarili. Bitbit ang maliit na timba, sumakay ako sa dyip. Pagdating sa tindahan, nagulat ako at wala na sa kamay ko ang pera. Kumabog ang aking dibdib kaya binalikan ko ang kalsadang aking dinaanan kanina. Ngunit hindi ko nakita ang pera. Mava-mava'y dumating sina Allan at Alvana. Sagutin ang mga sumusunod na tanong 1. Sino ang mga tauhan sa kuwento? 2. Ano ang ipinabili ng Nanay kay Lester? 3. Ano ang nangyari sa pera na dala ni Lester? 4. Tutularan mo ba si Lester? Bakit?