Sagot :
Paksa:
Ang Bagyong Rolly
Paksa
Ang paksa ay maaaring ang bahagi ng akda o pangungusap. Ang binibigyan ng pokus o tuon sa akda o pangungusap. Sa akda, ang paksa ay tinatawag din na tema. Ito ang nagmumulat sa mga mambabasa kung ano ang magiging epekto ng kilos ng isang karakter. Sa pangungusap, ang paksa ang bagay na pinag - uusapan.
Limang uri ng paksa
1. Paksang Pangngalan
2. Paksang Panghalip
3. Paksang Pandiwa
4. Paksang Pang-uri
5. Paksang Pang-abay
Paksang Pangngalan
Ito ay isang uri ng paksa na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,hayop at pook.
Paksang Panghalip
Ito ay isang uri ng paksa na gumagamit ng mga salita o katagang panghalili sa pangngalan.
Paksang Pandiwa
Ito ay isang uri ng paksa na nagsasaad ng kilos o galaw.
Paksang Pang-uri
Ito ay isang uri ng paksa na nagsasaad ng katangian o uri ng tao,hayop, bagay, lunan at iba pa.
Paksang Pang-abay
Ito ay isang uri ng paksa na naglalarawan sa pandiwa o kapwa pang-abay.
#CarryOnLearning