👤

pag Alam sa natutunan
Lumikha ng Isang komentaryong

patulong po please kailangan ko po ng matinong sagot​


Pag Alam Sa NatutunanLumikha Ng Isang Komentaryongpatulong Po Please Kailangan Ko Po Ng Matinong Sagot class=

Sagot :

ANSWER:

Napapanahong Isyu na napili: "Pagbabakuna kontra COVID-19 sa frontliners"

SCRIPT:

Announcer:. Magandang Araw mga Kabayan! Ito po ang Isyu 24/7 ng 101.1 life radio. Nandito na ang tambalang talagang inaabangan tuwing umaga! Sina Jeric at Madie!

Jeric: Magandang-magandang hapon sa inyong lahat! Ako po si Jeric.

Madie: Good Afternoon, mga kababayan! Ako naman po si Madie.

Jeric: So Partner, anong ganap ngayon ?

Madie: Naku Pards ang daming ganap ngayon. At isa na dito ang Pagbabakuna kontra Covid-19 sa mga frontliners.

Jeric: Tama ka diyan, partner! Marami akong nakita na balita na pinag-uusapan 'yan.

Madie: Ako rin, Partner! Bakit hindi na lang iyan ang pag-uusapan natin ngayon?

Jeric: Oo nga, partner! Balita ko dumating na sa bansa ang mga bakuna galing ibang bansa. Kaya't ang mga ospital ay naghahanda sa pagbabakuna sa mga frotliners sa bansa.

Madie: Mabuti nga Partner! Tiyak na makakatulong ito sa ating Kalusugan.

Jeric: Oo nga! Pero sa totoo lang, kinakabahan pa rin ako sa bakuna na ipapaturok sa mga frontliners natin. Naaalala mo pa ba yung pinsala na dinulot ng DengVaxia noong taong 2018?

Madie: Syempre Partner! Maraming mga buhay ang nawala dahil diyan, lalong-lalo na sa mga kabataan.

Jeric: Tama ka diyan, partner! At sa aking palagay, marami na ring mga mamamayan ang nangangamba sa bakunang kontra Covid-19.

Madie: Oo nga! At ayon sa World Health Organization, wala daw talaga ng bakuna na mayroong 100% efficacy rate. Pero kahit ganon ay may pagkakataon pa rin tayo na magiging safe basta yung efficacy rate ng bakuna ay 50% pataas.

Jeric: Tama ka diyan, partner! Alam ko na hindi tayo pinapabayaan ng Panginoon. Sana maging epektibi ang bakuna at magiging ligtas ang ating mga kababayan at mga frontliners.

Madie: Oo nga. At ayon na nga po, may isang isyu na naman tayong napag-usapan. Sana nga ay malutas na ito sa lalong madaling panahon. Ito po ay si Madie.

Jeric: At ito po si Jeric!

Madie at Jeric: Muli ito po ang Isyu 24/7 ng 101.1 life radio. Paalam!

REMINDER:

- the answer is based on my own understanding. have a good day/night. -