👤

B. Panuto : Gamitin mo naman sa matalinghagang pahayag ang mga matatalinghagang salita mula sa Gawain A.

1. Nagmumurang-kamatis / nagbubuhay kabataan
2. Mababaw ang luha / madaling lumuha
3. Ilista sa tubig / kalimutan na lamang
4. Makapal ang palad / masipag
5. Pusong-bato / mahirap magpatawad​


Sagot :

Answer:

1. Ang aking lola ay tila nagmumurang-kamatis dahil sa kanyang mga ikinikilos.

2. Mababaw ang luha ko pagdating sa mga palabas na may temang pag-ibig ng ina sa kanyang anak.

3. Aking ililista na lamang sa tubig ang mga pangungutyang binitawan niya sa akin.

4. Makapal ang palad ni Juan kung kaya't hindi nakakapagtaka kung magkaroon man siya ng magandang kinabukasan.

5. Hindi ka papansinin niyan kahit ano pang makaawa ang gawin mo sapagkat siya ay may pusong-bato.