Sagot :
Answer:
Pag - aaral sa Panahon ng Pandemya
Ang pagsisimula ng pasukan ay napakalaking pagbabago sa lahat. Panibagong gising sa umaga, at panibagong mga hamon na naman ang ating kinakaharap. Subalit hindi rin naman natin maitatangi ang mga alaala at masasayang pangyayaring naipon natin noong nakaraang pasukan. Sa pagpasok sa paaralan ay makakabuo tayo ng mga bagong kaibigan, mga kaibigang makakasama sa hamon ng online learning. Hindi man ito kagaya ng mga karanasan bago ang pandemiya, maituturing pa rin natin itong mga masasayang alaala na mabitbit habambuhay. Hindi na bago sa atin ang kahalagahan ng edukasyon maging online man o pisikal.
Sa kabila ng banta ng pandemya ay nangangarap pa rin ang mga estudyante na balang araw ay maibalik na sa dating pisikal ang pag-aaral.
Ayon sa Deped, pinaghahandaan pa rin ng ilang paaralan ang pagbubukas ng mga limitadong face-to-face classes para sa mga lugar na may mababa o wala ng kaso ng virus. Dahil dito, mas tumaas ang pag-asa ng karamihan na muling makadalo sa pisikal na klase. Kasabay ng pagtaas ng mga nabakunahan ay mas magiging posible ang pagsisimula ng face-to-face classes.