👤

Sa iyong sariling opinyon, katanggap-tanggap bang paraan ng komunikasyon ang paggamit ng Taglish? Ipaliwanag ang iyong sagot. (NEED NOW.)

Sagot :

Para sa akin, mas nakabubuti na gamitin ang dalawang magkaibang lengwahe sa pakikipag komunikasyon. Ang dahilan, ay ginagamit din natin ito sa pang araw araw. Sa eskwelahan, maririnig mo ang mga estudyanteng nagsasalita ng Tagalog at ang iba naman ay Ingles. May mg salita namang hindi kayang banggitin o ipaliwanag sa wikang Ingles kaya Tagalog ang ginagamit. Ganoon 'rin naman kapag Tagalog.

Hindi na maitatanggi na simula naman noon ay may iba na 'ring lenggwaheng natutunan ang mga Pilipino. Wala namang masama sa paggamit ng wikang Ingles. Sa ibang bansa 'rin naman ay tinuturo ang iba't ibang klase ng mga wika. Tulad nalang ng Spanish, Japanese, Chinese, Korean, atbp. Sa mga nagdaang araw, mapapansin din na marami sa kabataan ay madalas nang gumamit ng wikang Ingles at Tagalog. Normal naman na gamitin ang Taglish sa paraan ng komunikasyon. Para na 'rin ito kung sakaling may mga tiga-ibang bansang nagpunta rito sa ating bansa at tayo kung pupunta naman sa ibang bansa.