_______5. Sa pagbabago ng republika ay kailangan ng isang bagong saligang batas. Ano
ang ipinalit sa Saligang Batas ng 1935 na ipinatupad ng mga Amerikano?
A. Saligang Batas ng 1941
B. Saligang Batas ng 1942
C. Saligang Batas ng 1943
D. Saligang Batas ng 1944
_______6. Ano ang binubuong tatlong sangay ng Saligang Batas ng Ikalawang Republika?
A. Tagapagpaganap, panghukuman at pambatasan
B. Tagapagpaganap, pangkaligtasan at pandigmaan
C. Tagapagpaganap, pangkabuhayan at pambatasan
D. Tagapagpaganap, panghukuman at pambansang kalakaran
_______7. Ito ang isa sa programang ipinatupad ni Pangulong Jose P. Laurel na nangangasiwa at
kumukontrol sa maayos at makatarungang pagbabahagi ng mga pangunahing bilihin.
A. BIBA
B. HUK
C. NADISCO
D. PRIMCO
_______8. Paano nilutas ni Pangulong Laurel ang paghihirap ng mga Pilipino sa kanyang panahon ng
pamamahala?
A. Gumawa siya ng mga programang pangkabuhayan.
B. Nagpatulong siya sa mga Hapones.
C. Gumawa ng mga pagkakakitaan
D. Nanatiling tahimik dahil sa takot
_______9. Ano ang naging resulta ng pananakop ng mga Hapones sa mga Pilipino?
A. Naging maunlad ang kanilang pamumuhay
B. Nagkaroon ng mabuting ugnayan ang mga Pilipino at Hapones
C. Lumaganap ang mga kilusang gerilya o lumalaban sa mga Hapones
D. Naging sentro ng kalakalan ang Pilipinas sa mga bansang nasakop ng mga
Hapones.
_______10.Bakit nanatili si Pangulong Laurel sa pamamahala ng mga Hapones?
A. Upang hindi siya mapatay
B. Upang purihin siya ng mga Hapones
C. Upang may isang Pilipino na mangagasiwa pa rin sa karapatan ng mga Pilipino
D. Upang magkaroon ng mabuting pamumuhay sa kabila ng pananakop ng mga Hapon