Sagot :
[tex] \LARGE \green{ \tt{PANGNGALAN}}[/tex]
Ano ang pangngalan?
Ang pangngalan ay ang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari.
Mga halimbawa ng pangngalan:
- Jose
- Rizal Park
- nars
- gulay
- Oppo
- guro
- Dengue
- kabayo
- Paolo
- Pilipinas
Ano ang dalawang uri ng pangngalan?
Ang dalawang uri ng pangngalan ay pantangi at pambalana. Ang pangngalang pantangi ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari. Ang pangngalang pambalana naman ay tumutukoy sa pangkalahatan na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari.
Halimbawa ng pangngalang pantangi:
- Doktora Reyes
- Paolo
- Afritada
- Pinya
- Rizal Park
Halimbawa ng pangngalang pambalana:
- doktora
- estudyante
- ulam
- prutas
- parke