Panuto: Lagyan ng masayang muka ang patlang kung ang mga pahayag ay may mahahalagang kaisipan hinggil sa kaalamang-bayan. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel a. Ang diwang makata ay likas sa ating mga ninuno na siyang pangunahing dahilan kung bakit nabuo ang mga akdang patula. b. Ang mga tugmang de-gulong ay nasa anyong salawikain, kasabihan o maikling tula. c. Ang mga uri ng panitikang gaya ng palaisipan ay laganap pa rin hanggang sa kasalukuyang panahon sapagkat ito'y nakapagpapatalas ng isipan ng mga mag-aaral. d. Pinakamatandang sining ang tula sa kulturang Pilipino. e. Mahalagang patuloy na palaganapin ang mga kaalamang-bayan sapagkat ito ay pagkakakilanlan ng lahing Pilipino.