👤

8. Ano ang hindi mabuting naibunga ng antas ng lipunan noong panahong kolonyal?
A. Magkapantay ang mga Espanyol at Pilipino sa antas ng lipunan.
B. Mas mababa ang antas sa lipunan ng mga Filipino kaysa Espanyol.
C. Ang lipunang kolonyal ay binubuo lamang ng mga katutubong Filipino.
D. Naging mabuti ang kalagayan ng mga Filipino sa lipunang kolonyal

10. Ipinakilala ng mga Espanyol ang bahay na bato. Binubuo ang bahay na bato ng una at ikalawang palapag. Ang unang palapag nito ay yari sa bato at ang ikalawang palapag naman ay yari sa matigas na kahoy. Ano ang tawag sa imbakan ng bigas at mga gamit sa pasasaka na kadalasan makikita sa unang palapag ng bahay na bato ?
A. azotea
B. balkonahe
C. cuartos
D. entresuelo

12. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa katayuan ng mga kababaihan noong panahon ng kolonyalismo. Ano ang isa sa naging pagbabago sa pagpapabuti ng katayuan ng mga kababaihan noong panahon ng mga Espanyol ?
A. Hindi sila pinapayagang makihalubilo sa mga kalalakihan
B. Nabigyan ang mga kababaihan ng karapatan sa edukasyon
C. Bumaba ang katayuan ng mga babae sa lipunang kolonyal ng Pilpinas
D. Nabigyan ng mataas na katungkulan ang mga kababaihan sa panahon ng mga Espanyol

13. Ang mga tradisyunal na kababaihan noon ay ibang iba sa mga di-tradisyunal na kababaihan ngayon. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod na halimbawa ng di-tradisyunal na kababaihan ngayon MALIBAN sa isa. Ano ito ?
A. Maaari nang maging pinuno.
B. Nakalalahok na sa halalan.
C. Hindi maaaring makihalubilo sa iba
D. Nakapag-aral kasama ang mga kalalakihan
Other:

14. Sa sinaunang panahon, ang ina ang sentro ng pamilya. Pinahahalagahan ang kanilang kakayahang magpanatili ng kaayusan sa kanilang pamilya. Sa pagdating ng mga Espanyol at sa impluwensiya ng Kristiyanismo, nalihis ito sa ama. Ang ama sa panahon ng mga Espanyol ay itinuring na _______________.
A. ilaw ng tahanan
B. haligi ng tahanan
C. bantay ng tahanan
D. bulaklak ng tahanan
Other:

15. Makikita ang pag-aangkop na natutunan ng mga Filipino sa kulturang Espanyol sa kayarian ng bahay, gusali at mga kasangkapan. Ano ang kinalabasan ng mga ipinatayong tirahan ng mga Filipino bunga ng kanilang mahusay na imahinasyon ?
A. May maluluwang na bulwagan, malalaking silid at may azotea
B. Maliit na bintana at may masikip na tanggapan ng bisita.
C. Itinayo sa itaas ng puno upang hindi maakyat ng tubig baha
D. Nasa ikalawang palapag ang kusina, salas at palikuran

16. Malaki ang impluwensiya ng Kristiyanismo sa mga pagbabagong naganap sa kulturang Filipino. Bukod sa paggamit ng iba’t ibang hugis at laki ng hikaw.Ano ang katawagan sa pagganyak na suklay sa buhok ng mga kababaihan?
A. belo
B. peinetta
C. ipit
D. alampay

17. May malaking pagbabagong naganap sa kultura ng mga Filipino mula sa kanilang nakagisnan at nakasanayang pamumuhay noong sinaunang panahon. Alin sa sumusunod ang hindi nabago ng mga Espanyol sa pananakop sa mga Filipino?
A. Kultura
B. Pananamit
C. Tahanan
D. Pananalita

18. Nagkaroon ng pagbabago sa pananamit ng mga Filipino. Ipinakilala ng mga Espanyol ang pagsusuot ng camisa chino, pantalon, sombrero, tsinelas, ropilla at sapatos para sa kalalakihan. Ano ang dating isinusuot ng mga katutubo bago dumating ang mga Espanyol?
A. pantalon at blusa
B. Salakot at kamiseta
C. Bahag at kanggan
D. baro at saya

19. Likas sa mga Filipino ang pagiging mahilig at mahusay sa musika. Sa pagdating ng mga Espanyol sa bansa, alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay nito?
A. Nakita nila ito sa hilig na pagsulat ng awit ng mga Filipino.
B. Nakita nila ito sa madalas na pagsamba ng mga pamilya.
C. Nakita nila ito sa mga himig o pag-awit sa ritwal at lokal na pagdiriwang.
D. Nakita nila ito sa panahon ng paglilibing sa kanilang yumao.

20. Nagbago rin ang paraan ng pagpapangalan ng mga Filipino batay sa kautusan ni Gobernador–Heneral Narciso Claveria Bautista ang Claveria Decree of 1849. Binigyan ng apelyidong Espanyol ang mga Filipino. Saan nakatala ang mga ito at mahigit 61,000 mapagpipiliang apelyido?
A .Catalogo alfabetico de apellidos
B. Catalogo ng aklatan
C. Catalogo ng mga kasuotan
D. Catalogo ng tarheta​