2. Bakit labag sa konstitusyon at saligang batas ng Pilipinas ang patakarang Parity Rights? ng a. Ito ay isang paraan ng pakikipagkaibigan sa ibang bansa. b. Ito ay patakarang nag uutos na tumangkilik sa mga produkto ibang bansa. c. Ito ay isang paraan ng panghihimasok ng makapangyarihang mga bansa at mga bagong tatag na estado. d. Ito ay kasunduang nagbibigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at Amerikano na linangin ang mga likas na yaman ng bansa. 3. Naging aktibo ang kilusang Hukbalahap (Hukbo Laban Sa hapon) sa administrasyong Roxas. Alin kaya sa mga sumusunod ang maaring naging dahilan ng kanilang pag-aalsa? a. Pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga produkto ng ibang bansa. b. Hindi pagsang-ayon ng pamahalaan sa kasunduang Batas Militar. c. Pagbabayad ng pamahalaang Amerikano ng napakababang halaga sa Pilipinas bilang bayad pinsala sa digmaan. d. Galit at kawalan ng tiwala sa pamahalaan dahil sa pagsang-ayon nito sa mga hindi pantay na kasunduan na inilahad ng Estados Unidos. 4. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa mga reaksiyon ng mga Pilipino sa mga ilang hindi pantay na kasunduan. Alin sa mga ito ang hindi nabibilang sa kanilang mga reaksiyon? a. Pag-aalsa laban sa pamahalaan. b. Pagbatikos sa administrasyong Roxas c. Pakikipagsaya kasama ang mga Amerikano d. Galit dahil sa paglabag ng kanilang mga karapatan