1. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
Sagot: Tenga
2. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.
Sagot: Sumbrero
3. Hayan na si kaka bubuka-bukaka.
Sagot: Gunting
4. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: Kandila
5. Itapon mo kahit saan, babalik sa pinanggalingan.
Sagot: Yoyo