Sagot :
Answer:
pagkonsumo
Explanation:
PAGKONSUMO Ay tumutukoy sa paggamit ng mga konsyumer ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang kanilang mga kagustuhan.
Konsyumer Tinatawag din sila bilang mamimili. Tumutukoy sa mga taong bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang pangangailangan at magkaroon ng kasiyahan.
Kapag natutugunan ng tao ang kanyang pangangailangan at kagustuhan, siya ay nakakaranas ng kasiyahan o satisfaction.
Utility Ito ay ang kasiyahan o satisfaction na nakukuha sa pagkonsumo ng isang uri ng produkto o serbisyo.
Utility Maximization Ito ang layunin ng bawat konsyumer: ang matamo ang pinakamataas na utility na maaaring maabot sa harap ng kanyang budget constraint.
Mga Uri ng Utility TOTAL UTILITY • Kabuuang utility na nakukuha sa pagkonsumo ng isang produkto o serbisyo. MARGINAL UTILITY • Karagdagang utility na matatamo sa pagkonsumo ng isang karagdagang yunit ng produkto o serbisyo
Mga Uri ng Pagkonsumo TUWIRANG PAGKONSUMO • Paggamit ng produkto o serbisyo upang direktang tugunan ang isang kagustuhan HINDI TUWIRANG PAGKONSUMO • Paggamit ng produkto o serbisyo upang makabuo ng pinal na produktong magagamit upang tugunan ang isang kagustuhan
Mga Uri ng Pagkonsumo MAAKSAYANG PAGKONSUMO • Paggamit ng produkto o serbisyo na hindi tumutugon sa pangangailangan ng tao MAPANGANIB NA PAGKONSUMO • Paggamit ng produkto o serbisyo na nakapipinsala sa kalusugan ng tao