👤

DAHILAN NG PAG-USBONG NG RENAISSANCE:

pa help po tatlong dahilan po sana.​


Sagot :

Answer:

Ang Renaissance ay isa sa pinaka mahalagang bagay na nangyari sa kasaysayan ng sangkatauhan. Ito ay nagsimula noong 14th century at nagtapos noong 17th century, kung saan umusbong ang panibagong interes sa klasikal na sining, agham, at literatura.

Ito ang panahon pagkatapos ng middle ages, na bumago sa paniniwala ng tao na ang kapalaran ng sangkatauhan ay hindi lamang nasa palad ng diyos, kundi sa sarili nitong kakayahan at talino. Ang Renaissance ay itinuturing na gintong panahon sa kasaysayan ng tao na nagsimula sa Florence, Italy at kumalat sa karatig nitong mga bansa, sa panahong ito pinaniniwalaang ang pinaka mainam na paraan para makamit ang imortalidad ay ang pag likha ng mga obra sa larangan ng sining at literatura.

Sa pag-unlad ng agrikultura,bunga ng mga pagbabago sa kagamitan at pamamaraan sa pagtatanim umunlad ang produksyon sa Europe noong "middle ages". Dahil dito lumaki ang populasyon at dumami ang pangangailangan ng mga mamamayanan na matutugunan naman ng maunlad na kalakalan. Ang mga lungsod-estado sa hilagang Italy ang nakinabang sa kalakalan. Noong ika-11 hanggang ika-12 na siglo umunlad iot bilang sentrong pangkalakalanat pananalapi sa Europe. Ilan sa mga lungsod-estado na umusbong ay ang Milan, lorence, Venice, Mantua, Ferrara, Padua, Bologna at Genoa.

Explanation:

hope it helps !

Answer:

Ang Renaissance ang nagbukas ng daan sa pagbabago sa larangan ng kalakalan at negosyokaya umusbong ang rebulasyong komersiyal na nagdulot ng mga pagbabago sa gawang pang ekonomiya.

Explanation:

sana makatulong to kahit kaunti^^