👤

Panahon ng mga espanyol simbolo at paliwanag​

Sagot :

Answer:

Panahon ng mga Espanyol

Isa ang mga Espanyol sa mga nanakop sa Pilipinas. Ang kanilang pananakop ay tumagal ng 333 na taon. Ginamit nila ang ebanghelisasyon at kolonisasyon sa pananakop. Ang layunin ng kanilang pananakop ay ang mga sumusunod:

Pagpapalaganap ng Kristiyanismo

Mapalawak ang kanilang sakop

Maangkin ang mayamang kalikasan ng Pilipinas lalo na ang mga produktong pampalasa

Pamumuhay ng mga Pilipino sa Panahon ng Espanyol

Ano nga ba ang naging pamumuhay ng mga Pilipino sa kamay ng mga Espanyol? Narito ang ilan sa mga pangyayari noong panahon ng Espanyol:

Monopolyo ng Tabako - Ito ay tinatag Jose Basco y Vargas upang madagdagan ang kita ng pamahalaan. Dahil dito ay pinagmulta ang mga magsasakang hindi makatupad sa itinakdang aanihin. Naging maganda ito dahil nakilala ang Pilipinas na pangunahing taga-gawa ng tabako at nakapagpagawa ang pamahalaan ng gusali, tulay at kalsada. Ngunit dahil puro tabako ang naging produkto ay nagkaroon ng kakulangan sa pagkain.

Kalakalang Galyon - Ito ang nakilalang kalakalang Maynila-Acapulco. Malaki ang kinitang halaga sa kalakalan ngunit hindi lahat ay nabigyan ng pagkakataon na lumahok. Ang mga nakasali lamang sa kalakalan ay gobernador-heneral, mga prayle, miyembro ng Royal Audencia, mga inulila ng mga Kastila, at mga kaibigan ng opisyal.

Polo - Ito ang pilit na pagtratrabaho ng mga kalalakihang may gulang na 16 hanggang 60. Sila ay pinaglingkod sa pamahalaan sa loob ng 40 araw sa isang taon.

Bandala - Ito ay tumutukoy naman sa sapilitang pagbili ng mga produktong pansakahan sa murang halaga. May pagkakataon din na inuutang ng pamahalan ang mga produkto at hindi na binabayaran.

Tributo - Ito naman ang pagpapataw ng buwis ng mga Espanyol sa mga mamamayan. Walong reales ang hinihingi sa bawat pamilya at kalahating real naman ang walang asawa ngunit nasa hustong edad.