Sagot :
Answer:
Paksang Diwa
Paksang diwa ay ang pinaka kaluluwa ng
maikling kwento. Elemento ng maikling
kwento na tumutukoy sa mahalagang hindi magkakaroon ng saysay ang maikling kwento. Bahaging nakakubli na nais ng manunulat na mabatid ng mga
ideya nito. Damdamin o kaisipang nais
bigyang-diin o paglalarawan sa maikling
kwento. Kung wala ang paksang diwa
bumabasa.
Mga Elemento ng Maikling Kwento
1. Panimula
2. Saglit na Kasiglahan 3. Suliranin
4. Tunggalian 5. Kasukdulan
6. Kakalasan
7. Wakas
8. Tagpuan
9. Paksang Diwa
10. Kaisipan
11. Banghay
Sa panimula nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.
Ang saglit ng kasiglahan ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang sangkot sa suliranin.
Ang suliranin ay ang problemang haharapin o kinahaharap ng tauhan o mga tauhan sa kwento.
Ang tunggalian ay ang umiiral na pakikipaglaban, pakikipag-away o pakikipagtunggali ng mga tauhan sa isang akda. Ito ay may apat na uri:
1. Tao laban sa tao
2. Tao laban sa sarili
3. Tao laban sa lipunan
4. Tao laban sa kapaligiran o kalikasan
Sa kasukdulan nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Ang kakalasan ang nagsisilbing tulay sa wakas ng kwento.
Ang wakas ang resolusyon o ang
kahihinatnan ng kwento.
Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente. Kasama din dito ang panahon kung kailan naganap ang kwento.
Ang paksang diwa ang pinaka-kaluluwa ng maikling kwento.
Ang kaisipan ay ang mensahe ng
kwento.
Ang banghay ay ang mga pangyayari sa
kwento.