👤

Suriin:

Basahin at Unawain

Ang dating pamahalaang barangay ng mga ninuno ay napalitan. Ang mga ito ay napasailalim sa Pamahalaang Kolonyal ng Espanya. Ang pamahalaang ito ay sentralisado. Sa patakarang kolonyal, ang mga lupaing nasakop ay kinamkam at itinuring na pag-aari ng bansang mananakop. Lahat ng mga kayamanan ay inangkin at hinakot ng sapilitan. Gumamit sila ng dabas upang masupil ang sinaunang tumanggi sa kanilang patakaran. Pinamunuan ng Gobernador Heneral ang pamahalaang sentral na itinatag ng Espanya sa Pilipinas. Siya ang tumayong kinatawan ng hari ng Espanya sa ating bansa. Siya ang pinakamataas na opisyal at nagpatupad ng mga batas na naggagaling sa Espanya. Pinuno siya ng Sandatahang Lakas ng Espanya sa ating bansa. Siya rin ang humarang at nagtanggal sa mga opisyal ng pamahalaan at sa mga pari na nangasiwa sa mga parokya maliban sa mga hinirang na hari. Nahati sa dalawang sangay ang pamahalaang itinatag ng mga Espanyol sa Pilipinas; ang Tagapagpaganap o Ehekutibo at ang Panghukom o Hudisyal. Ang batas ay nanggaling sa Espanya at ang mga batas na ginawa sa Pilipinas ay ang mga kautusan ng Gobernador Heneral.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Sino ang namumuno sa pamahalaan ng sinaunang Pilipino?

2. Paano binuo ang mga batas na ipinasusunod sa mga Pilipino?​


Suriin Basahin At Unawain Ang Dating Pamahalaang Barangay Ng Mga Ninuno Ay Napalitan Ang Mga Ito Ay Napasailalim Sa Pamahalaang Kolonyal Ng Espanya Ang Pamahala class=

Sagot :

Answer:

  • 1.ang espanya
  • 2.dahil sa pinakamataas na opisyal kaya nakagawa ng batas sa mga pilipino

Answer:

1. Ang namumuno ay si gobernador general.

2. Ang batas ay nanggaling sa espanya at Ang mga batas na ginawa sa pilipinas ay Ang kautusan ng gobernador general.