Sagot :
Answer:
ANO ANG KAHALAGAHAN NG ELEKSYON?
Maayos na naganap ang SG elections nitong Hulyo 29. Mapayapa at wala namang napabalitaang may dayaan. Ngunit, hindi maiwasan na magkaroon ng konting siraan ang bawat partido. Ito ay pangkaraniwang nangyayari kapag eleksyon.
Masasabi na mas maraming estudyante ang nakiisa ngayong naganap na eleksyon kaysa noong nakaraang taon. Batay sa resulta, 54.73 % ang bumoto at 48.54% ang hindi bumoto noong nakaraang eleksyon, samantalang 74.75% estudyante ang nag-go out and exercise your rights at 25.25% lamang ang mga “walang pakialam” ngayong taon.
Responsibilidad at pananagutan ng buong mga mag-aaral ng PSU ang itaguyod at suportahan ang student government eleksyon. Mahalagang gamitin natin ang ating karapatang pumili ng mga opisyales na magpapalakad ng ating organisasyon. Ang pagboto ay isa sa mga paraan ng pagpapahalaga sa mga kaganapan at maaring magaganap sa ating unibersidad. Ito ay pagpapakita na mayroon tayong pakialam sa mga kaganapang nangyayari sa loob ng ating campus. Tayo ring mga mag-aaral ang makikinabang at maaapektuhan sa bawat pakikialam at di-pakikialam sa kahalitulad na gawiing ito.
Iba pang kahalagahan ng eleksyon dito sa link:
•http://www.psu.itgo.com/ang_kahalagahan.htm
Answer: