A. Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon o kalagayan ng mga Pilipino sa ilalim ng kolonyalismong Espanyol. Piliin sa loob ng kahon kung ano ang naging pagtugon ng mga Pilipino sa bawat sitwasyong ito. Isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel.
A. Nanahimik at nagtiis
B. Nag-alsa
C. Ginamit ang lakas ng panulat
D. Nakipagsabwatan sa mga dayuhan/mersenaryo
E. Tumakas at namundok
1. Kilala ang mga katutubong Pilipino na likas na matiisin at sanay sa hirap kaya mas pinili nilang manahimik at sumunod sa patakarang Espanyol para sa kanilang kaligtasan.
2. Ang mga kabataang nakapag-aral sa kolehiyo sa Pilipinas man o sa Espanya ay hindi rin nagsawalang-kibo. Ginamit nila ito sa pagsisiwalat sa kalupitan ng pamahalaang Espanyol.
3. Mayroong mga katutubo na kung tawagin ay mga balimbing o taksil na nagawang ipagpalit ang dangal para sa pansariling kapakanan.
4. Marami ring mga katutubo na mas piniling takasan ang mga pagpapahirap ng mga dayuhan. Namuhay sila sa bundok at naging kalaban ng pamahalaan. Tinawag silang mga tulisan.
5. Ang mga katutubo mula sa iba't ibang rehiyon at sektor ng lipunan tulad ng magsasaka, mangangalakal at mga propesyonal ay bumuo ng pangkat upang makipaglaban.
B. Paki tingnan nalng po pic :)
![A Panuto Basahin Ang Sumusunod Na Sitwasyon O Kalagayan Ng Mga Pilipino Sa Ilalim Ng Kolonyalismong Espanyol Piliin Sa Loob Ng Kahon Kung Ano Ang Naging Pagtugo class=](https://ph-static.z-dn.net/files/db0/343b98861cf8d06c841cc399827fb1dc.jpg)