week A. Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Isulat ang TAMA sa patlang kung ito ay nagsasaad ng katotohanan hinggil sa mga naging suliranin ng mga Pilipino matapos ang ikalawang digmaan at MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang. 1. Bumagsak ang kabuhayan nang maraming Pilipino. 2. Nangailangan nang tuluy-tuloy na rehabilitasyon ang ekonomiya ng bansa. 3. Nanatiling buo at matatag ang mga paaralan matapos ang digmaan. 4. Nawalan ng tiwala at kooperasyon ang maraming Pilipino sa pamahalaan. 5. Nasira ang mga taniman na pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng bansa. 6. Naging kaakit-akit ang kagandahan ng mga gusali at kapaligiran. 7. Patuloy na matatag ang Sistema ng pananapi ng Pilipinas. 8. Lumaganap ang kahirapan dahil sa kawalan ng hanapbuhay ng mga mamamayan. 9. Nangailangan nang iba't ibang kasanayan ang mga manggagawang Pilipino upang magkaroon ng pagkakakitaan. 10. Libu-libong bahay at ari-arian ng mga Pilipino ang nasira at nawala.