1. Naglaba si Nanay kahapon. Ang pandiwang Naglaba ay nasa anong aspekto ng pandiwa?
A. Pangnagdaan
B. Pangkasalukuyan
C. Panghinaharap
2. Matutulog ako mamayang hapon. Ang pandiwang matutulog ay nasa anong aspekto ng pandiwa?
A. Pangnagdaan
B. Pangkasalukuyan
C. Panghinaharap
3. Ako ay nagwawalis ng bakuran. Ang pandiwang nagwawalis ay nasa anong aspekto ng pandiwa?
A. Pangnagdaan
B. Pangkasalukuyan
C. Panghinaharap
4. Si Nanay ay nagluto kanina ng masarap na almusal. Ang pandiwang nagluto ay nasa anong aspekto ng pandiwa?
A. Pangnagdaan
B. Pangkasalukuyan
C. Panghinaharap
5. Maliligo kami sa ilog sa susunod na linggo. Ang pandiwang maliligo ay nasa anong aspekto ng pandiwa?
A. Pangnagdaan
B. Pangkasalukuyan
C. Panghinaharap