👤

Panuto: Ipabasa nang malakas sa iyong tagapag-alaga ang tekstong kasunod. Pakinggan mo itong maigi at unawain. Pagkatapos, isagawa mo ang mga mungkahing gawain na kasunod. Ang pandemyang COVID-19 ay isang sakit na nakahahawa dulot ng isang “virus”. Dahil dito, kailangan natin ang puspusang pag-iingat at pangangalaga sa ating mga sarili para maiwasan ito. Mahirap o mayaman ka man ay puwede kang dapuan ng sakit na ito. Kaya, huwag natin ipagsawalang-bahala ang pandemyang ito. Mahigpit nating sundin ang mga protocols na iminumungkahing gawin nang maiwasan nating mahawa sa sakit na ito. Kay sarap mamuhay nang malaya, walang itinakdang oras nang paglabas at pag-uwi ng bahay! Yung puwede kang lumabas sa kahit na anong oras, maglaro sa plaza, sa kalye o sa kahit na anong lugar na gusto mong puntahan. Yung hindi limitado ang oras ng paglalaro at gumala kahit saan. Masaya, hindi ba? Binago ng pandemya ang buhay nating lahat, mahirap lalong lalo na sa mga umaasa lang sa kanilang arawang kita. Limitadong oras lamang ang ibinibigay sa kanila para lumabas ng bahay at makapagtrabaho. Hindi na rin pwedeng dumiskarte ng ibang pagkakakitaan dahil kailangan nilang mag-ingat sa lahat ng oras para makaiwas sa nakamamatay na sakit na ito. Pero huwag kang mag-aalala, babalik din tayo sa dati. May awa ang Panginoon. - Jesusan G. Tulipas, Guro sa Filipino 5, P.M. Geta Laoang II District Gawain

A. Panuto: Bumuo ng mga tanong batay sa napakinggan mong teksto gamit ang mga salitang pananong na bakit, ano, sino, kailan, at paano? Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.



Panuto Ipabasa Nang Malakas Sa Iyong Tagapagalaga Ang Tekstong Kasunod Pakinggan Mo Itong Maigi At Unawain Pagkatapos Isagawa Mo Ang Mga Mungkahing Gawain Na Ka class=

Sagot :

Answer:

Bakit kailangan pa nating magdusa nang ganito?

Ano ba ang mga dapat gawin upang maiwasan ang virus na ito?

Sino ba ang may kakayahang makalutas nito?

Kailan matatapos ang pandemyang nagpapahirap sa mamamayan?

Paano na yung pamumuhay ng bawat pilipino?

Explanation:

#carryonlearning