👤

III. Basahin at unawain ang isinasaad ng bawat pahayag. Isulat sa patlang bago ang bilang ang titik ng tamang sagot. 17. Ano ang mga pamantayan ng iyong pagtulong sa kapwa? A Dapat ito ay bukal sa kalooban C. Dapat ito ay may kapalit B. Upang maging sikat D. Upang kumita ng pera 18. Magaling sumayaw si Trisha. Isang kaibigan ang nanghingi ng tulong dahil nais nitong matutong sumayaw. Bakit siya pagbibigyan ni Trisha? A. upang lalo silang maging matalik na magkaibigan B. upang pagbibigyan din siya kapag siya na ang nangangailangan C. upang maibahagi niya ang kanyang angking kakayahan D. upang mabigyan siya ng bayad 19. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng matalinong pagpapasya? A. Pagsasalba ng mga kasangkapan sa bahay kahit malaki na ang apoy. B. Ang mga matutulis na bagay at mga posporo ay nakalagay sa lalagyan na hindi maaabot ng mga bata. C. Paghahanda ng mga pangunahing pangangailangan matapos mapakinggan ang balita tungkol sa isang paparating na malakas na bagyo. D. Putulin ang mga mahahabang sanga ng mga punongkahoy na malapit sa bahay bago dumating ang bagyo. 20. Bilang mag-aaral ng ikalimang baitang, ano ang maitutulong mo upang maging malinis ang ating kapaligiran? A. Itapon ang mga basura sa tamang tapunan. B. Walang gagawin C. Bata pa ako para tumulong. D. Ikalat lang kung saan-saan ang mga balat ng pinagkainan.​