👤

Ano ang isa pang tawag sa Batas Rizal?​

Sagot :

Answer:

Ang Batas Republika 1425 na mas kilala sa tawag na Batas Rizal ay pinangunahan ng dating pinuno ng Pambansang Kapulungan ng Edukasyon na si Sen. Jose P. Laurel. Bago ito mapagtibay noong Hunyo 12, 1956, dumaan ang batas na ito sa mga umaatikabong debate sa loob ng Senado at Kongreso. Tinawag itong House Bill 5561 sa kongreso na pinangunahan ni Cong. Jacobo Gonzales at tinawag naman itong Senate Bill 438 sa Senado na pinangunahan naman ni Sen. Claro M. Recto. Hindi makakapagtaka na sila ang mga pinunong nagtaguyod sa batas na ito, dahil kung babalikan ang kasaysayan, malinaw na may marubdob na pagmamahal sa bayan ang dalawang ito. Si Gonzales ay nakipaglaban upang mapalaya ang kanyang mga kababayang sakdalista at si Recto naman ay malinaw na ipinaglaban ang soberanya ng Pilipinas labas sa Estados Unidos.

Explanation:

hope it helps, pa brainliest<3