👤

Napakasaya ng pamilya Villa. Papunta sila ngayon sa tabing-dagat upang

magpiknik. Ito kasi ang unang pagkakataon na lumabas sila. Tuwing Linggo

pagkatapos magsimba ay lagi na lang sa mall ang punta nila pero ngayon ay iba na.

Sa loob ng sasakyan ay tuwang-tuwa na pinagmamasdan ng magkapatid ang

paligid. Maya-maya pa’y huminto na ang sasakyan sa tapat ng dalampasigan. Sabik

na bumaba ang magkapatid, bitbit ang basket ng mga inumin at pagkain. Dinala

rin nila ang kani-kanilang gamit: cellphone, tablet, music player at iba pa.

“Bawal muna ang gadgets sa piknik. Itabi muna ang mga ‘yan at magdisconnect

sa internet,” utos ng kanilang nanay. “Mga anak, ito ang panahon upang tayo’y

magsaya at damahin ang kalikasan,” paliwanag ng kanilang tatay. Lumaylay ang

balikat ng magkapatid sa panghihinayang ngunit sumunod din sila sa kanilang mga

magulang.
Ilang saglit pa’y narating na nila ang tabing-dagat. Napahanga sila sa

kagandahan nito. Kinuha ni Nico ang pamingwit, habang si Mica ay nawiwili sa

pamumulot ng iba’t ibang uri ng kabibe. Samantalang masiglang naglatag ng sapin

ang tatay. Habang ang nanay ay magiliw na naghanda ng baon nilang pagkain.

Kay saya ng pamilya Villa pakiwari nila sila at ang dagat ay magkakaugnay. Kung

minsan, masarap ding mag-disconnect sa internet upang maiwasan ang

pagtatampo ng inang kalikasan.​