👤

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5. Magsaliksik ng tig-dadalawang halimbawa ng awiting/tulang panudyo, tugmang de gulong, palaisipan, at bugtong. Ilagay ito sa bond paper at lagyan ito ng disenyo. Rubrik sa Pagmamarka Nilalaman Malikhain Kaayusan at Kalinisan Kabuuan 40% 30% 30% 100%
pa help po ​


Sagot :

Answer:

Complete Answer is here.☺️

Tulang Panudyo:

1)Bata, bata

Pantay-lupa

Asawa ng palaka

2)Mga dumi sa ulo

Ikakasal sa Linggo

Inalis, inalis

Ikakasal sa Lunes

Tugmang de gulong:

1) Ang di magbayad mula sa kanyang pinanggalingan ay di makabababa sa paroroonan. (Batay sa: Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.)

2) Aanhin pa ang gasolina kung jeep ko ay sira na.

And di magbayad walang problema, sa karma pa lang, bayad ka na.

Sitsit ay sa aso,

Katok ay sa pinto,

sambitin ang “para”

sa tabi tayo’y hihinto.

Palaisipan

Tanong: Dala-dala ko siya, ngunit ako rin ay dala niya

Sagot: Tsinelas/Sapatos

Tanong: Anong meron sa jeep, tricycle, at bus, pero wala sa eroplano?

Sagot: Side Mirror

Tanong: Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.

Sagot: Baril

Bugtong

1. Matanda na ang nuno hindi pa naliligo.

Sagot: Pusa

2. Maliit pa si Nene nakakaakyat na sa tore.

Sagot: Langgam

3. Sa araw nahihimbing, sa gabi ay gising.

Sagot: Paniki