Tukuyin kung sa anong uri ng tekstong Impormatibo nabibilang ang binabasa ng tauhan sa bawat sitwasyon sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot.
a. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Pangkasaysayan b. Pag-uulat Pang-impormasyon c. Pagpapaliwanag
Sagutin
1. Mahilig sa mga insekto si Tony. Nais niya ngayong malaman kung paano at bakit nagbabagong-anyo ang mga ito. Hawak niya ang isang tekstong may pamagat na "Ang Pagbabagong Anyo ng Salagubang." 2. Patuloy na nararanasan ng mga bansa sa daigdig ang matitinding tag-init at napakalakas na bagyong nagresulta sa malawakang pag- kasira. Nais ni Rodel na magkakaroon ng mas maraming impormasyon ukol dito kaya't hawak niya ngayon ang tekstong may pamagat na "Mga Epekto ng Global Warming sa kapaligiran." 3. Maraming pag-aaklas ang naganap sa ating bansa laban sa mananakop. Iba't iba rin ang dahilan sa mga pag-aaklas na ito. Gustong malaman ni Ar-ar ang kasaysayan sa likod ng pinaka- mahabang pag-aaklas sa kasaysayan ng Pilipinas- Ang Pag-aaklas ni Dagohoy sa Bohol. 4. Nagbabasa ng balita si Manny. Makikita sa hawak niyang pahaya- gan ang balitang ito: "51st International Eucharistic Congress, Ginanap sa Cebu noong Enero 24-31, 2016." 5. Masayang-masaya si Gng. Cruz sa balitang nasa pahayagang hawak niya. Sinasabi ritong:"Si Pia Wurtzbach ay nagwagi bilang Ms. Universe 2016."