Ang mga Produkto ng Pilipinas Mapalad ang bansang Pilipinas sapagkat pinagkalooban ito ng Manlilikha ng mayaman at masaganang lupain. Isang bansang agrikultural ang Pilipinas. Nangangahulugang maraming mga plipino ay nabubuhay at pagsasaka. Bigas ang pangunahing pagkain ng mga tao suballt mayroon ding mals na ipinanghallll bilang kanilang pangunahingng pagkain. Gitnang Bisaya. Mindanao at Lambak ng Cagayan ang pangunahing tagaprodyus ng mals. itinuturing namang "Kaban ng Bigas ng Pilipinas" ang Gitnang Kapatagan sapagkat dito nagmumula ang pinakamarami at pinamalaking ani ng bigas sa buong bansa. Mallban sa bigas at mals, marami ring tanim na puno ng niyog sa bansa. Ito ang dahlian kung bakit ang Pilipinas ay nakapagluluwas ng kopra. Kabilang din sa mga iniluluwas ang produktong abaka, tabako, asukal, at Iba pang prutas gaya ng pinya, mangga, saging, at marami pang iba. Hindi ba dapat ipagpasalamat ang mga biayayang ito na handog ng Diyos Sagutin ang mga tanong batay sa teksto. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ano-ano ang mga produktong agrikultural ng Pilipinas ang nabanggit sa teksto 2. Ano ang ikinabubuhay ng maraming Plipino sa bansa? 3. Ano ang pangunahing pagkain ng mga tao sa bansa? 4. Saang lugar sa Pllipinas ang pangungunahing tagaprodyus ng mals 5. Bakit ang Glinang Kapatagan ang itinuturing na "Kaban ng Bigas ng Plipinas 6. Baklt nakapagluluwas ng kopra ang Pilipinasa 7. Paano tayo makatutulong sa mga magsasaka ng bansa upang mapalago ang kanilang kabuhayan?