KAHANGA-HANGANG PUNONG BARANGAY
Award winning ang aming punong barangay. "Hall of Famer awardee siya ng Rotary Club of Baguio Search for Best Performing Punong Barangay. Higit sa mga premyo na
pls click the picture
kanyang natanggap, ang kanyang mga nagawa at gagawin pa ay ang mga totoong nagpapatunay sa kanyang hindi matatawarang pagseserbisyo sa aming barangay.
Matatag at mapagkakatiwalaan siyang lider. Ang kanyang desisyon ay hindi madaling matinag, Pinaninindigan niya kung ano ang napagdesayunan nang nakararami para sa kabutihan ng lahat. Dahil dito, mataas ang pagrespeto ng mga mamamayan sa kanya Maraming sumasangguni sa kanya lalo na sa paglutas ng mga hidwaan na namumuo sa mga taong dumudulog sa kanya. Pati ang mga kasamahang opisyales at mga hupon sa barangay ay nakikinig sa kanya.
Manigang siyang lider lalo na sa pagpapatupad ng kanyang mga pangunahing programa at proyekto ng kaniyang administrasyon, Nangunguna sa kaniyang listahan ang pagpapatatag sa sektor ng edukasyon. Marami siyang programang naglalayong makapag-aral ang mga bata sa barangay. Nakikipag-ugnayan rin sila sa opisina ng ALS at DSWD para matulungan ang mga problema ng mga out-of school youth children in conflict with the law Maliban edukasyon, marami ring mga proyektong imprakstraktyur ang nainagawa. Pinapatatag din niya ang sektor ng kalusugan sa buong barangay. Hindi siya tumitigil sa kanyang pagbuo ng mga plano at pagpalaganap ng mga gawain para sa ikabubuti ng mga mag-aaral at mga kabataan sa barangay. at
Matindi ang kanyang dedikasyon sa kanyang mga kabarangay Tuwing may hindi kanais-nais na pangyayari sa barangay ay makikita mo agad ang kanyang presensiya. Nakikiramay siya at nagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan. Handa rin siyang tumulong sa mga nasalanta ng sakuna katulad ng biktima ng bagyo at iba pa. Matindi rin ang pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan sa barangay Katulong ang mga barangay tanod, rumuronda sila tuwing gabi at tumulong din sila sa checkpoint ng kapulisan. Maayos din ang. kanilang koordinasyon sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na nangangalaga sa peace and onder ng isang lugar. Handa niyang inakripisyo ang kanyang magandang kalagayan para maging ligtas
ang kanyang mga mamamayan Mapagmahal siyang asawa at ama. Makikita mo siyang kasama ang kanyang pamilya sa pagsimba at pagdala ng mga mahahalagang
akasyon ng pamilya. Tuwing siya'y nagbibigay ng mensahe, lagi niyang pinapahalagahan ang responsibilidad ng magulang sa kanilang pamilya lalo na sa pagmamahal sa mga anak. Binibigyan pansin niya ang mahalagang role ng pamilya sa pagpapatatag ng pamayanan.
Kaibigan siya ng lahat. Malimit kong marinig na tawagin siyang Kap Timmy. Makikita mo siyang nakikipagkasiyahan sa kanyang mga kasamahan at mga kabarangay. Hindi niya pinipili ang kanyang pinakikitungahan Lahat ay kanyang pinapansin anuman ang kanilang estado sa buhay. Taimtim siyang nakikinig sa mga kwento ng buhay ng kanyang nasasakupan. Ito marahil ang nagbibigay sa kanya ng malawak na karanasan upang mapagsilbihan ng walang pag-iimbot ang kaniyang barangay.
Ang aming punong barangay ay katulad ng bawat isa sa atin. Siya ay isang simpleng tao. Naging isang bata rin siya na makulit at pasaway kung minsan. Nag-aral din siya upang maabot ang kanyang pag-aaral. Hindi man niya natapos ang kanyang kurso ngunit nagpakadalubhasa sa ibang paraan. Nagkaroon ng pamilya. Nagsikap at namuhay nang payapa hanggang sa maisipang magserbisyo sa barangay. Siya'y naging kagawad hanggang sa mahiyang maging kapitan ng barangay.
Talagang kahanga-hanga ang aming punong barangay. Siya'y walang iba kung hindi si Punong Barangay Timothy C. Pudlao. Jr.
![KAHANGAHANGANG PUNONG BARANGAYAward Winning Ang Aming Punong Barangay Hall Of Famer Awardee Siya Ng Rotary Club Of Baguio Search For Best Performing Punong Bara class=](https://ph-static.z-dn.net/files/d83/4dc8e8242d4873e272167ee48a738c94.jpg)