👤

Basahin ang bawat pangungusap at ayusin ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunud-sunod nito. Lagyan ng bilang 1-5 ang bawat patlang.

_____1. Nagbalik sa alaala ni Basilio na papilay-pilay niyang hinabol ang kanyang ina labintatlong taon na ang nakararaan.

_____2. Huminto siya sa harap ng bunton ng mga bato at nanalangin sa harap ng puntod ng kanyang ina.

_____3. Naupo siya sa batuhan at nag-isip-isip sa nakakikilabot niyang nagdaan na ngayon ay unti-unti nang nagkakaroon ng pagpapanibagong buhay.

_____4. Habang natutulog ang mga tao, si Basilio ay maingat na bumabagtas sa daang patungo sa matandang kagubatan ng mga Ibarra.

_____5. Kinabukasan ay dadalawin niya ang mag-anak ni Kabesang Tales pagkatapos niyang puntahan ang kanyang ina. Ginagawa niya ito taun-taon.