Sagot :
Answer:
Mga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya
1. Mga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya Ambaras, Patria, Baidiango, Verzano, Salapayne, Indong, Pioco,Balazuela, Wong
2. • Mahatma Gandhi • Mustafa Kemal Ataturk • Muhammad Ali Jinnah • Ayatollah Ruhollah Khomeini • Ibn Saud
3. Mahatma Gandhi
4. Mahatma Gandhi • Si Mohandas Karamchand (2 Oktubre 1869 – 30 Enero 1948) ay isang pangunahing politikal at espirituwal na pinuno sa Indiya, at ng kilusang pagpapalaya sa Indiya. • Siya ang tagapagpaganap ng SATYAGRAHA- ang pagpipigil sa kalupitan sa pamamagitan ng malawakang sibil na hindi pagsunod na malakas na nakatatag sa ahimsa (ang kabuang kawalan ng karahasan), na nagdulot sa pagiging malaya ng Indiya, at nagbigay-diwa sa mga kilusan para sa mga karapatang sibil at kalayaan sa buong mundo. • Siya ay natatag ng HUNGRE STRIKE sa panahon ng sila ay sinakop ng mga englis. • Naging lider ng "Indian National Congress" noong 1921.
5. MUSTAFA KEMAL ATATURK
6. Mustafa Kemal Ataturk • Siya ay isinilang sa Salonika, bahagi ng imperyong Ottoman noon, ngayon ay Ssloniki, Greece. Ang kaniyang mga magulang ay sina Ali Riza Efendi. • Sinasabing nagmula sa pamilya ng mga Nomads sa Konya,Turkey. Ang kanya namang ina ay si Zubeyde Hanim . Nakapag-aral ng elementarya sa Semsi Efendi School. • Nag-aral sa Monastir High School noong taong 1899.Taong 1905 nang matapos ng pag-aaral sa Ottoman Military College si Mustafa, at naging ganap na isang sundalo.
7. • Naging Kapitan ng Ottoman Army at nagsilbi sa 5th Army sa Damascus na ngayon ay Syria hanggang noong 1907. • Isa si Mustafa na hindi pumayag sa kasunduan ng Italy at France noong matapos ang kanilang digmaan noong1911 hanggang 1912, na hatiin ang Imperyong Ottoman. • Siya ang naging susi sa isang pagkilos na naganap noong Disyembre 1911 sa Battle of Tobruk, na kung saan ay may 200 Turko at Arabong militar lamang ang lumaban sa 2000 Italyanong naitaboy at 200 na nahuli at napatay, bagamat nagtagumpay pa rin ang mga Italyano.
8. • Si Mustafa Kemal ang nagbigay- daan sa pagtatamo ng kalayaan ng Turkey sa kabila na ito ay binalak paghati-hatian ng mga Kanluraning bansa tulad ng France, Britain, Greece at Armenia. • Siya ang tumawag ng halalang pambansa at hiwalay na parlliamento na siya ang nagsilbing tagapagsalita (speaker). Ito ang Grand National Assembly ng Turkey. Ito ang nagbigay daan upang ang mga Turkong militar ay mapakilos na hingin ang kalayaan ng bansang Turkey.
9. MUHAMMAD ALI JINNAH
10. Muhammad Ali Jinnah • Nabuhay siya noong Disyembre 25 1876 – Septyembre 11 1948 • Namunong ipahayag ang pagmamahal sa bayan • Tinaguriang Ama ng Pakistan noong Agusto 14, 1947 • Labinlimang taong gulang siya nang nag-asawa. • Siya ay isang abogado • Noong 1905 siya namuno sa League-pangkat samahan
11. AYATOLLAH RUHOLLAH KHOMEINI
12. Ayatollah Ruhollah Khomeini • Isinilang noong Setyembre 24, 1902, lumaki sa pangangalaga ng kaniyang ina at tiyahin, matapos mamatay ang kaniyang ama sa kamay ng mga bandido. • Nang mamatay ang kaniyang ina siya ay naiwan sa pangangalaga at pagsusubaybay ng kaniyang nakatatandang kapatid. • Noong 1962 nagsimula si Ayatollah na maging aktibo sa larangan ng politika.
13. • Kasama siya sa mga pagkilos at pagbatikos sa mga karahasang isinasagawa ng kanilang Shah sa mga mamamayan at ang tahasang pagpanig at pangangalaga nito sa interes ng mga dayuhan tulad ng Estados Unidos. • Gumawa ng makasaysayang pagtatalumpati noong Hunyo 3, 1963 laban sa patuloy na pagkiling ng Shah ng Iran sa mga makadayuhang pakikialam at pagsuporta nito sa Israel. • Sa pamamagitan ng gawaing ito ay naaresto at nakulong si Ayalollah na umani ng malawakang pagsuporta ng mga mamamayan na naging sanhi ng kaguluhan sa bansa.
14. • Ipinatapon sa ibang bansa tulad ng Turkey at Iraq noong Nobyembre 1964, dahil sa pagsusulat at pangangaral laban sa pamunuang mayroon ang kaniyang bansa. • Pagkatapos mabuwag ang pamahalaan ng Iran sa pamamagitan ng Rebolusyong Islamic noong 1979 at mapatalsik ang Shah muling bumalik si Ayatollah sa Iran na muling tinanggp ng mga mamamayan.