👤

Mga tanong (Isulat sa isang malinis na papel ang iyong mga kasagutan)

1. Sa panahong ito, ano ang kahalagahan ng pagunita natin ng araw ng kagitingan?

2. Bilang pag-alala sa mga bayaning Pilipino, gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng mga kabayanihang ginawa nila​


Sagot :

Answer:

Hindi isang selebrasyon ang paggunita sa Araw ng Kagitingan kung hindi pag-alaala sa katapangan ng mga Filipinong nakipaglaban at nagbuwis ng buhay para sa bayan kahit pa "bumagsak" ang depensa noon ng bansa sa Corregidor sa Bataan noong Abril 9, 1942.

Ang mga bayani nati’y nag-iwan ng mga aral at halimbawa nang sila’y lumaban at nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan. Ipinamalas nila na ang pagmamahal sa tinubuang lupa at sariling lahi ay ang pinakadakilang anyo ng pag-ibig. Ikinintal nila sa ating mga isipa’t damdamin na ang pagkakaroon ng sariling pamahalaan ay mahalagang salik ng pagkabansa – isang pamahalaang kinikilala, iginagalang at ipinagmamalaki ng mga nasasakupan. Kaakibat ng pagtatatag ng sariling pamahalaan ay ang pagbalangkas ng saligang batas na magiging batayan ng mga alituntuning susundin ng mga mamamayan para sa ikabubuti ng lipunang kanilang ginagalawan

Explanation:

i hope this will help you, please rate me base to my effort. thankyou and Godbless!!