👤

Gawain 3

Iguhit sa sagutang papel ang tsek (/) kung sang-ayon ang iyong paniniwala sa sumusunod na mga pahayag at ekis (X) naman kung hindi.

1.Kapag maraming namumuhunan sa isang bansa, ang tiwala at pagkilala ay kanilang ipinakikita sa pamamagitan ng pagtatayo ng mas maraming negosyo.

2. Ang mga patakarang ipinatutupad ng pamahalaan ay paraan upang mapangasiwaan nang wasto ang kakayahang pinansiyal ng bansa.

3 Bilang tagapangasiwa ng pera o salapi, pautang at pagbabangko, ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay itinatag upang mapangalagaan ang kabuoang ekonomiya ng bansa.

4. Kapag maraming mamamayan ay natutong mag-impok, maraming bansa ang mataas na antas ng pag-iimpok.

5. Ang ekwilibriyo sa ekonomiya ay bunga ng pagbabago sa antas ng pag-iimpok at pamumuhunan ng mga mamamayan at kompanya.​