1.Si Andrea ay anim na buwang nagdadalang-tao nang nagkaroon ng malubhang sakit. Sa pagsusuri ng mga doktor, nalaman niya na kailangang alisin ang kaniyang bahay-bata ngunit maaari itong magresulta sa pagkamatay ng sanggol sa kaniyang Sinapupunan. Kung hindi naman ito isasagawa, maaaring magdulot ito ng mga komplikasyon at malagay sa panganib ang kaniyang buhay
2. Isa sa mga kasapi ng iyong pamilya ay may nakamamatay na sakit at lubhang nahihirapan. Sa ospital kung saan siya namamalagi, makikitang maraming medikal na kagamitan ang nakakabit sa kaniya. Sa ganitong kalagayan, masasabi na hinihintay na lamang niya ang takdang oras. Isang araw, nakiusap siya na alisin ang lahat ng kagamitang medikal at payagan na siyang umuwi at mamatay sa kapayapaan. Ngunit tumanggi ang mga doktor, sa kadahilanang kapag ginawa nila iyon, tiyak na magreresulta sa kaniyang agarang kamatayan. Maituturing bang isang paglabag sa kasagraduhan ng buhay kung sakaling pumayag ang mga doktor na tanggalinang mga kagamitang medikal? Bakit