Sagot :
Answer:
AKING PANANAW
Makukulay at kamangha-mangha ang mga tauhan at ang kanilang mga pakikipagsapalaran. Nakakaaliw din ang mg mahihiwagang nilalang. Magigiting ang mga pinuno at mandirigma sa kanilang walang hanggang tunggalian para sa kalayaan.
Nakaka-iyak at makakadurog-pusong kuwento ng pag-iibigan ng isang mandirigma at prinsesa na nasa magkatunggali na kaharian. Kapanabik-nabik ang kahinatnan ng kanilang tila bawal na pag-ibig.
TEMA
Ang pagmamahal ng isang mamamayan sa kanyang lupang sinilangan ay kahanga-hanga. Ngunit, itong pagmamahal ni Rustam sa Persiya ay siya rin naging sanhi sa kanyang dalamhati sa pagkawala ng kanyang anak. Ang walang katapusan na digmaan ay napapahamak lamang pati ang mga walang muwang. Walang maganda ang maidudulot ang tagisan ng lakas.
PAGSUSURI / PATUNAY NA ITO AY ISANG AKDANG SOSYOLOHIKAL
Sina Sohrab at Rustam ay makapangyarihang at magigiting na mga mandirigma. Sila ay inaasahan na maging matapang para protektahan ang kanilang mga pamilya at mga nayon mula sa mga kaaway. Taliwas sa ibang kaharian, sila ay makatarungan at tapat sa pakikitungo sa mga tao. Ito ay salamin ng uri ng lipunan sa Persiya.
ARAL NA TAGLAY SA AKDA
Maraming mahahalagang kaisipan at mga aral na taglay ng akda. May mga bagay at pagkakataon na hindi natin inaasahan darating at mawawala sa ating buhay. Tulad ng pagmamahalan nina Rustam at Prinsesa Tahmina at ang pagkikita ni Sohrab at Rustam.
Dapat bigyan natin ng halaga anuman mayroon tayo ngayon. Tulad ng kailangan nating mahalin ang ating mga magulang at pamilya. Lalo na habang nakakasama pa natin sila. Tunay na isang biyaya na may pagkakataon pa tayong mahalin sila. Tulad ni Sohrab at Rustam na walang kaalam alam sa kanilang ugnayan. Nakapiling nila ang isa’t isa ngunit natapos ito sa isang iglap nang mapatay ni Rustam si Sohrab.
Naguguluhan kami sa mga tila magkasalungat na pangyayari. Isa rito ay ang pagiging magaling na mandirigma at tagapagtanggol ng Persiya ni Rustam, ngunit hindi niya nagawang ipagtanggol ang kanyang pag-ibig para kay Prinsesa Tahmina. Magiting at mapagmahal si Rustam pero hindi niya inayos at binalikan ang kanyang mag-ina. Nakapiling lamang niya si Sohrab sa una at huli nilang pagkikita.
hinde ko Po alam kung tugma. kayo na po Ang bahala..