Sagot :
Answer:
Ang paksa ay ang nilalaman ng talakayan, at ito ang pangkalahatang kaisipan ng akda o manunulat. Dito umiikot ang kaisipan ng tagapagsalaysay sa kanyang pagtalakay ng mga ideya.
Ang pagpapakilala sa paksa ay mahalaga upang magbigay ng kaunting kaalaman at isang paraan upang mahikayat ang tagakinig at mambabasa upang sila ay samahan sa buong talakayan.
Sa pagpapakilala ng paksa nilalahad ang kahulugan at kaligiran ng paksa, paglalahad ng suliranin tungkol sa paksa, tinatalakay rin dito ang kahalagahan ng paksa at ang saklaw nito.
Karagdagan, ang pagpapakilala ng paksa ay dapat epektibo upang magkaroon ng magandang talakayan hanggang dulo.
Explanation:
#carry for learning