👤

What is Basahin ang maikling kwento:
Malikhain Isipan, Tunay na Yaman ng Bayan
Ang mga mag-aaral sa ika-anim na baitang ay may proyektong dapat na gawin. Inatasan sila ng kanilang gurong si Gng. Antonio na gumawa ng isang bagay na sa tingin nila ay makatutulong sa ating bansa. Pagkatapos ng klase nila ay agad na nag-isip si Florence ng maaari niyang gawin. Marami siyang naiisip ngunit hindi siya makapagpasya kung alin sa mga ito ang kanyang gagawin dahil alam niyang wala silang sapat na pera para makabili ng mga kakailanganin. Nakita siya ng kanyang Nanay Ising na tila ba may malalim na iniisip kaya nilapitan siya nito.
Aling Ising: Anak, may problema ka ba? Bakit parang malalim ang iyong iniisip?
Florence: Wala po akong problema Nanay. Iniisip ko lang po ang proyektong ipinagagawa sa amin ni Gng. Antonio. Aling Ising: Ano ba ang ipinagagawa ni Gng. Antonio sa inyo?
Florence: Pinagagawa po niya kami ng bagay na sa tingin namin ay makatutulong sa ating bansa.
Aling Ising: Alam kong kayang-kaya mo iyan anak. Isaalang-alang mo lamang na dapat na hindi ito makapagdudulot nang hindi maganda sa tao at sa kalikasan. Florence: Opo Nanay. Maraming Salamat po.
Dahil sa sinabi ng kanyang Nanay, naisip ni Florence ang mga bote ng plastik na lagi niyang nakikitang nagkalat sa kanilang dinadaanan o kahit sa kantina ng kanilang paaralan. Ang kanyang proyekto ay tinawag niyang "Bote ng Kabuhayan. Ang mga plastik na bote ay ginawa niyang mga paso na may iba't ibang disenyo. Naisip niya na makababawas na ito sa kalat maari pa itong pagkakitaan ng mga tao. Pinuri ni Gng. Antonio si Florence sa kanyang proyekto. Tuwang-tuwa naman sina Florence at Aling Ising sa matagumpay na proyektong ito.
? Suriin Sagutin ang mga tanong, isulat ang wastong sagot sa kwaderno.
1. Ano ang ipinagawa ni Gng. Antonio sa kanyang mga mag-aaral?
A. Bagay na makatutulong sa ating bansa.
B. Pinagagawa sila ng term paper
C. Pinasasagutan sa kanila ang kanilang modyul
D. Pinagagawa sila ng video
2. Sino ang tumulong kay Florence para makaisip ng kaniyang gagawin?
A. Nanay Ising
B. Gng. Antonio
C. Tatay Mando
D. Lola Mely
3. Ano ang naisip na gawin ni Florence? A. Naisip niyang gamitin ang mga plastik na bote sa paggawa ng kanyan proyekto. B. Naisip niyang gumawa ng kakaibang bagay
C. Naisip niyang gumamit ng papel sa proyekto
D. Naisip niyang gumamit ng balat ng kendi at tuyong dahon.
4. Bakit kaya ito ang kanyang naisip gawin?
A. Sapagkat wala na siyang maisip na maari pang gawin
B. Sapagkat madalas niyang nakikita ang mga ito na nakakalat sa kanilang dinaraanan.
C. Sapagkat paborito niya ang mga plastik na bote.
D. Sapagkat ito ang mga bagay na marami sa kanilang tahanan.
5. Sa inyong palagay, Paano kaya ito makatutulong sa mga tao at higit sa lahat sa ating bansa?
A. Sa pamamagitan nito, mababawasan ang pagdami ng basura.
B. Nakakatulong ito sapagkat maari pang pakinabangan ang mga bagay na patapon na
C. Sa pamamagitan nito maiiwasan ang pagbara sa daluyan ng mga tubig.
D. Lahat ng nabanggit


What Is Basahin Ang Maikling Kwento Malikhain Isipan Tunay Na Yaman Ng Bayan Ang Mga Magaaral Sa Ikaanim Na Baitang Ay May Proyektong Dapat Na Gawin Inatasan Si class=