Sagot :
Answer:
Bilang isang adolescent, mahalaga na iyong napag-iisipan at natatalakay ang mga hinaharap mong hamon sa panahon ng iyong pagdadalaga/pagbibinata. Ito ay upang mabigyang linaw o maunawaan mo at magawang mapamahalaan ang mga pangyayaring kaakibat ng iyong pagiging tinedyer.
Inaasahan na sa kalagitnaan at huling bahagi ng iyong pagdadalaga o pagbibinata, sasailalim ka sa mabilis na mga pagbabago at pag-unlad at makakasagupa ng iba’t ibang hamon. Haharapin mo rin ang mga nakababahalang inaasahan o ekspektasyon sa iyo ng iyong pamilya at iba pang mga tao sa komunidad.ibigay Ang ibat iBang pagbabago at hamon na naganap sa panahon Ng kalagitnaan at huling bahagi Ng pagbibinata/pagdadalaga
Kasama sa mga pangyayaring kaakibat ng iyong pagiging tinedyer ang mga pagbabagong pisyolohikal, kognitibo, at sikolohikal na pag-unlad o pagbabago sa panahon ng adolescence na iyong nararanasan at patuloy na mararanasan.
Samakatuwid, mahalagang bahagi ng iyong pagharap sa mga hamon sa panahon ng iyong adolescence ang pag-aaral sa mga pagbabagong iyong nararanasan at pag-unawa sa mga inaasahan sa iyo ng mga mahalagang tao sa iyong buhay.
Ang mga ito ay makatutulong sa iyo