👤

anu-anong kasayanan ng buhay ang dapat malinang upang makaiwas sa paggamit ng gateway drugs? ​

Sagot :

Answer:

Eto ang ilan sa pwede mong gawin:

-Intindihin mo muna kung bakit ka ba gumagamit ng droga. Pwede kasing para tumaas ang kumpyansa mo sa sarili, dahil nadedepress ka o baka dahil naiimpluwensyahan ka ng mga kasama mo. Kung yan ang dahilan mo, umiwas agad sa tukso. Laging isipin na walang kahit sinong nangarap na maging adik sa hinaharap. Wag makipagkaibigan sa mga umiimpluwensiya sayo at humanap ng mga kasama na may malusog na lifestyle. Pag-aralan din ang mga masamang side effects ng droga. Ilista mo yan sa papel o ilagay sa cellphone at palaging tignan sa twing natutukso.

-Humingi ng tulong kung pakiramdam mo eh naaabuso mo na ang droga. Iba ang pag-abuso sa pagiging adik. Kapag adik ka na, hindi mo na mapigilan ang sarili mo at talagang kinokontrol na ng droga ang buhay mo. Kaya ba ngkakaroon ka ng withdrawal symptoms o yung nagwawala ka na kapag walang droga. Kapag ganyan ang sitwasyon, baka kailangan mo na talagang humingi ng tulong sa mga propesyonal. Sa mga rehabilitation center, matutulungan ka na magbago at na unti unting maalis ang epekto ng droga sayo. Kung may kaibigan o kapamilya ka na talagang mapagkakatiwalaan mo, hingin ang tulong niya na magkontrol kapag natutukso ka.

-Sanayin ang sarili sa malusog na klase ng pamumuhay.Pag eehersisyo, pagkain ng masusustansya at pag-bubulay bulay sa magagandang epekto ng paghinto sa droga ang mga makakatulong sayo na iwasan yan. Kapag araw araw eh nararamdaman mo ang pagbabago, hahanap hanapin mo na ang ginhawang dulot ng malusog na katawan at baka ikaw na mismo ang magtapon sa mga droga.

-Laging makipag-usap sa mga kaibigan o kapamilya mo kapag nasstress ka. Magisip ng ibang mga bagay na pwede mong pagkalibangan sa halip na magtangkang magdroga. Halimbawa: gumawa ng mga bagay na magpapasaya sa ibang tao, manood ng TV, kumain kasama ng mga kaibigan mo at madami pang iba.

-Nakakatulong din ang pananalangin para mapaglabanan mo ang tukso na gumamit ng droga.

-Kung problema mo ang anak mo na teenager dahil gumagamit siya ng droga, humanap ng pagkakataon na makausap siya ng sarilinan. Yung walang pang-gambala gaya ng cellphone o tv. Maging mahinahon habang kausap siya at tanungin siya kung ano yung talagang nararamdaman niya. Iwasan na para kang naglelecture, sa halip, pakinggan mo siya at sabihin na mapagkakatiwalaan ka niya. Bigyan mo siya ng mga payo para maitigil niya yon at ano yung pede niyang gawin kapag may mga nag-aalok sa kanya na magdrugs.

Nasa kamay mo ang ipagbabago ng buhay mo at syempre pati na din ng mga mahahalaga sayo. Huwag mahiya ng tulong kapag parang na tutukso ka. Makakaya mo yan. Nakatulong sana sayo ang mga yan.

︻デ═一ŜŤÃЎ ŜÃƑẸ◉●•◦

乂❤Carry on Learning❤乂

Aanswer:

marapat na paligiran Ang sarili ng mabuting employensya.Iwasan na makipagkaibigan sa mga taong madalas uminom o manigarilyo.Importante na magkaroon ng self-control at suriin kung ano ang marapat para Sayo.

Explenacion:

HOPE IT'S HELP