Sagot :
Answer:
Narito ang apat (4) na paraan ng pagpapalawak ng pangungusap:
1. Pagdaragdag ng mga Paningit o Ingklitik
2. Paggamit ng mga Panuring
3. Pagsasáma ng mga Pamuno sa Pangngalan
4. Paglalagay ng Kaugnay na mga Parirala
Pagtalakay:
1. Pagdaragdag ng mga Paningit o Ingklitik
Isinasáma ito sa pangungusap upang maging mas malinaw ang mensaheng nais iparating.
Mga Halimbawa ng Ingklitik:
man
naman
kayâ
kasi
yata
ba
pa
muna
palá
na
daw/raw
din/rin
lang/lámang
Kung gagamitin ang mga ito sa pangungusap, mapapansin natin na iba ang kahulugan ng mga pangungusap na may ingklitik sa mga pangungusap na walang paningit.
[Hangad ko na marunong na kayóng gumamit ng mga ito sa pangungusap. MAAARI NINYONG IPOST DITO ANG INYONG SARILING PANGUNGUSAP NA GINAGAMITAN NG INGKLITIK BILANG KOMENTO.]
2. Paggamit ng mga Panuring (Modifier)
2 Kategorya ng mga Panuring:
1) pang-uri na panuring sa pangngalan at panghalip
2) pang-abay na panuring sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay
Batayang Pangungusap:
Ang Great Wall of China ay simbolo ng Dinastiyang Ming.
Pagpapalawak Gamit ang Pang-uri:
Ang MAKASAYSAYANG Great Wall of China ay simbolo ng Dinastiyang Ming.
[Sa pangungusap na ito, ang MAKASAYSAYANG ay ang pang-uri at tumuturing sa pangngalang GREAT WALL OF CHINA.]
Batayang Pangungusap:
Ang mga mamamayan ay nagbunyi sa pagbagsak ng pamahalaan.
Pagpapalawak Gamit ang Pang-abay at Pang-uri:
Ang mga mamamayan ay MASIGABONG nagbunyi sa pagbagsak ng SAKIM na pamahalaan.
[Sa pangungusap na ito, ang MASIGABONG ay isang pang-abay na panuring dahil ang binibigyang turing ay ang NAGBUNYI na isang pandiwa. Samantala, ang SAKIM ay ang pang-uri na panuring na tumuturing sa pangngalang PAMAHALAAN.]
3. Pagsasáma ng mga Pamuno sa Pangngalan
Pamuno -> pangngalan o pariralang pangngalang tumutukoy sa ibang katawagan para sa isa pang pangngalan/panghalip.