👤

1.NEOKOLONYALISMONG POLITIKAL

2.NEOKOLONYALISMONG MILITAR

3.NEOKOLONYALISMONG PANGKALAHATAN
PAKI PALIWANAG PO KAILANGAN KO PO NG MAAYOS NA SAGOT​


Sagot :

Answer:

Neokolonyalismong Politikal •

Ang isang bansa ay malaya sa aspetong politikal. • Ang bansang ito ay sariling pamahalaan at pinamumunuan ng sariling pinuno. • Subalit, makikita pa rin ang impluwensiya ng dating mananakop sa dating kolonya. • Halimbawa nito ay ang pagsunod ng isang bansa(dating kolonya) sa patakarang panlabas ng isa pang bansa(dating mananakop).

Neokolonyalismong Pangmilitar •

Ito ay isang kondisyon na kung saan ang bansang mananakop ay magbibigay ng kalayaan sa bansang kolonyal kung ito ay papayag na makapagpatayo ng base militar ang bansang mananakop. • Pinapakita ng mananakop na ito ay isang pantay na pakikipagtulungan at uri ng pagkakaibigan. • Ang mga dating kolonya ay nadadamay sa kasunduang militar. • Halimbawa, kung ang dating mananakop ay inatake, magiging obligado ang dating kolonya na tulungan ito. Kung ang dating kolonya naman ang inatake, maaaring ipagsawalang bahala ng dating mananakop ang pagtulong dito.

Explanation:

yan lang po alm ko

[tex]\large\blue{ANSWER}[/tex]

[tex]____________________[/tex]

Ang Neokoloyalismo ay ang makabagong pamaraan ng pananakop sa isang bansa na Malaya na may mahinang ekonomiya na umaasa sa isang makapangyarihang bansa.

Anyo ng Neokoloyalismo

  1. Globalisasyon ng Edukasyon

  • Mapaunlad ang kaalaman ng mga bansa sa pamamagitan ng pagpapalitan ng iskolar.
  • Napilitan ang mga tagapamahala sa Pamantasan na makipag-ugnayan sa mga Kanluraning bansa kung saan ngamula ang kanilang libro at kagamitan.
  • Dahil sa paraang ito, nagtagumpay na maisakatuparan ng Kanluraning bansa ang kanilang layunin na maisaayos ang mga kurso.

2. Neokoloyalismong Politikal

  • Nagawa ng makapangyarihang bansa na kontrolin ang pamahala sa mga bansang mahina.Naimpluwensiyahan ng makapangyarihang bansa ang tungkol sa kalagayang panloob. Halimbawa dito ay ang eleksiyon

3. Neokoloyalismong Pangmilitar

  • Handang magbigay ang Kanluraning bansa sa kanilang hukbong sandatan. Halimbawa na dito ang Estados Unidos at Kuwait nang lubusin ito ng Iraq.

4. Neokoloyalismong Kultural

  • Isang patakaran ng makapangyarihang bansa na palaganapin sa mahinang bansa ang kanilang kultura tulad ng paraan ng panamit, sayaw, pagkain, pagdidiriwang at libangan.Naganap sa India ang anyong Neokoloyalismo sa pamamagitan ng mga British.

5. Neokoloyalismong Ekonomiko o Pangkalahatan

  • Napalaganap sa pamamagitan ng kunwaring tulong tungo sa pagpapaunlad ng kalagayang pangkabuhayan ng isang bansa, ngunit sa likod nito at ang katotohanan ay nakatali na pala ang bansa na tinutulungan sa patakaran at motibo sa banasang Tumulong