Petsa: Iskor: Gawain 1: Situational Analysis Panuto: Surlin ang sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung saang uri ito ng "Seven Deadly Sins Against Women" nabibilang. Pagkatapos ay sagutin ang pamprosesong tanong. 1. Maagang nag-asawa si Ana. Inakala niya na ang kanyang pag-aasawa ang solusyon sa nararanasan niyang kahirapan sa buhay. Ngunit , dumating ang panahon na halos ay araw-araw siyang sinasaktan ng kanyang asawa. 2. Namasukan bilang isang domestic helper sa ibang bansa si Mila. Pagdating niya sa bansang kanyang pinuntahan ibinenta siya ng kanyang amo sa kaibigan nito. 3. Nabuntis ni Philip ang kanilang kasambahay. Hindi niya ito gaanong mahal kung kayat ang pagtrato niya dito bilang isang katulong ay hindi nawala kahit sila ay mayroon nang anak. 4. Isisilang ni Leni ang kanyang ikatlong anak. Walang trabaho ang kanyang asawa kung kayal nagdesisyon sila na dalhin na lamang siya sa isang health center. Hindi siya tinanggap doon dahil puno na ito sa mga nanganganak din. 5. Gusto ni Liza na manalo bilang isang konsehal sa kanilang lugar. Lumapit siya sa kanilang kapitan at pinangakuan siya nito ng suporta at kasuguraduhang mananalo ngunit kapalit ang isang gabing pakikipagtalik. 6. Namasukan sa isang kilalang restaurant si Grace. Nagkaroon ng matinding baha dahil sa malakas ng ulan. Sinabihan siya ng kanyang manedyer na mas makabubuting huwag na lamang siyag umuwi ngunit siya ay ginawaan nito ng panghahalay, 7. Namasukan si Gina bilang sekretarya sa isang kompanya. Kapag dalawa na lamang sila ng kanyang among lalaki madalas nitong hinahawakan ang kanyang kamay.