👤

Pagtataya 2: Ibigay ang pamagat ng akda.

_________________________________________

Si Jose Rizal ay ipinanganak noong Hulyo 19, 1861 sa
Calamba, Laguna. Mayaman ang kanyang ama. Siya ay may
malawak na taniman ng palay at tubo. Buhat naman sa

mariwasang angkan ang kanyang ina na may mataas itong pinag-
aralan.

Si Jose Rizal ay tunay sa nagmula sa nakaririwasang pamilya.
Matalino si Jose Rizal. Natuto siyang bumasa at sumulat sa murang
edad na tatlong taon. Nakatapos siya ng elementarya at
sekondarya na nangunguna sa kanyang klase. Marami siyang
kursong natapos tulad ng medisina, pagpipinta, paglililok at
pagsusulat. Naging matagumpay siya sa mga kursong ito. Si Jose
Rizal ang tinaguriang Pambansang Bayani ng Pilipinas dahil sa
pakikipag-laban nito sa mga Kastilang umalipin sa mga Pilipino na
walang dumanak na dugo. Dahil sa galing ni Jose Rizal sa
pagsusulat, idinaan niya ang pakikipaglaban sa pamamagitan ng
pagsusulat ang pagbatikos sa pang-aalipin ng mga Kastila sa mga
Pilipino kaya’t ito ang naging dahilan ng kanyang kamatayan.