Nagsasabuhay ng mga Pagpapahalaga- Ang isang matagumpay na tao ay may tiyak na pagpapahalagang humuhubog sa kaniya upang harapin ang anomang pagsubok na pag daraanan sa pagkamit ng mithiin. Ang mga pagpapahalagang ito ang nagsisilbing gabay niya upang gumawa ng kakaibang produkto o serbisyo na may kalidad. Ang produktong kanyang lilikhain ay bunga ng kasipagan, tiyaga, pagiging malikhain at pagkakaroon ng disiplina sa sarili.