👤

Gawaing Pampagkatuto 11 (PERFORMANCE TASK) Panute Danang mele Gumawa warembayang tel me about an extra von Banna at Daladta kinakailangang may Introduksyon. Kata konklusyon pomeninyang pagmaman kumpleto ang mga bahagi ng iyong papet Kaunawan paglalahad tonhalid Ksiashon ng ideya at pagkakaugnay ugnay ng trga ito Wastong gamit ng alat bantak ot taytay Naipakita ang kabulutan sa bansa at ungdoma dilatation og koyong papel KABUUAN 25 punto EDITORYAL - Huwag sirain ang Inang Kalikasan NGAYON ay Araw ng Daigdig (Earth Day) Ang iba marahil ay magtataka sapagkat mayroon palang Araw ng Daigdig Ginugunita rin pala ito. At nakapagtataka namang kapag sumasapit ang ganitong araw sale lamang napagtutuunan ng pansin ang pagmamahal sa daigdig at sa likas na kayamanan nito Topon dito tapon doon ang ginagawa Nagpapakita ng kawalan ng disiplina sa epeldtong dulot ng basura sa ating kapaligiran Ngayon lamang nakikita ang kalagayan ng Inang Kalikasan na sinisira mismo ng mga taong nakabra nito Nagbabago na ang klima ng mundo at ang sabi ng mga eksperto ito ay dahil sa pagsira ng tao sa kalikasan Nakapagtatakang kahit sa panahon ng tag-init ay may mga pagbahang nagaganap at pagguho ng lupa May mga bagyang nagaganap na sumisira ng mga ari-arian at pumapatay sa maraming tao Kamakailan ay naguho ang lupa sa Bgy. Guinsaugon, St Bernard, Southern Leyte. Ang walang tigil na pag- ulan ang itinuturong dahilan kaya nabiyak ang bundok Pero mas marami ang nagsabi at kami man ay naniniwalang ang talamak na pagsira sa kabundukan doon ang dahilan Walang tigil ang pagputol ng mga kahoy at dahil wala nang mga kahoy, humina ang lupa na naging dahilan para gumuho Hindi lamang sa Bgy Guinsaugon nangyan ang landslide kundi pati sa Quezon at Aurora na ang tinuturong dahilan ng trahedya ay illegal logging operations Hindi lamang illegal logging ang sumisira sa Inang Kalikasan kundi pati na rin ang lumalalang air pollution Ang Metro Manila ay itinuturing na pinaka-polluted na lugar sa Asia. Sa kabila na may batas - ang Clean Air Act of 1999, hindi pa rin malutas ang problema sapagkat walang ngipin ang batas na ito. Hindi maipatupad ng gobyerno ang batas na matagal ding pinagdebatehan at pinagkagastusan Mahigpit na ipinagbabawal sa Clean Air Act ang paggamit ng incinerators, mga lumang motor ng sasakyan, pagsusunog ng basura at paggamit ng leaded gas Sa mga ito, ang paggamit ng leaded gas lamang ang naipahinto. Patuloy ang paggamit ng incinerators, pagsusunog ng basura at ang pagyaot ng mga ssakyang nagbubunga ng nakalalasong usok Nasisira ang kalikasan dahil sa kasakiman mismo ng tao Dito sa Pilipinas, may batas pero hindi maipatupad Hindi nakapagtataka na masira ang likas na yaman ng bansa dahil sa walang kakayahang pagpapatupad ng batas Kawawa naman ang mga susunod na lahl na maaaring wala nang mundong titirahan.​