Sagot :
Answer:
MANILA, Philippines — Magkakaloob ng isang buwang libreng sakay ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) simula sa Marso 28, 2022.
Batay sa abiso ng Department of Transportation (DOTr) kahapon, nabatid na tatagal ng mahigit isang buwan ang libreng sakay o hanggang sa Abril 30, 2022.
Ang naturang magandang balita ay inianunsiyo mismo ni Pang. Rodrigo Duterte sa publiko nitong Martes matapos na pangunahan niya ang isang seremonya na idinaos bilang hudyat nang pagtatapos ng MRT-3 Rehabilitation Project, na pinondohan ng pamahalaan at ng Japan International Cooperation Agency (JICA).
“With the joint efforts of these companies and the DOTr, we’ve increased our train speed from 25 km/ hour to 60[km]/hour, while the time interval between train arrivals has improved to 8 to 10 minutes,” dagdag pa ng pangulo.
Kasabay nito, inianunsiyo rin naman ng pangulo na mula sa dating 12 hanggang 15 lamang, umaabot na sa 18 hanggang 22 train units ang available at bumibiyahe sa naturang rail line upang magserbisyo sa mga mamamayan.
Explanation:
Correct me if im wrong